Pages

06 April 2011

Pag-ibig sa isang tasang kape

 

Kape.

Hindi man lahat pero karamihan, minsan sa ating buhay ay nahilig sa isang tasang kape. Sa umaga…sa hapon…sa gabi…at kung minsan maging sa tanghali, hindi maaaring walang kape.

Mapait.

Matabang.

Matamis.

May creamer

…o wala.

Kanya-kanyang panlasa, kanya-kanyang timpla.

Parang pag-ibig.

Hindi man lahat ay pinapalad pero lahat o karamihan, minsan sa kanilang buhay ay nakaranas umibig at ibigin.

Minsan mapait…

Minsan parang kulang sa tamis…

Pero may pagkakataon ding sobra naman sa tamis…

Meron ding instant…

At may iba ding mahirap kunin ang lasa…

Depende na lang sa kung paano mo ititimpla.

Parang isang tasa ng kape… maraming pagpipilian, maraming bagong klase ng timpla, sa kaliwa…sa kanan…maraming nakahaing kapehan, ang iba, may donut pa on the side.

Pero kahit gaano man kamura o kamahal…sosyal man o tama lang…

babalik at babalik ka pa din sa nakasanayan.

Sa pasok sa iyong panlasa…

Sa una mong minahal…

Sa akma sa iyong timpla…

Sa kasama mo sa puyatan…

Sa kasalo sa agahan…

Sa iyong kakampi matapos ang magdamagang gimikan at lasingan…

Sa palaging nandyan pag nais mong manahimik matapos ang maghapong pag-iisip.

Sabi nga, iba na ang may pinagsamahan.

Ngunit tulad ng isang tasang kape,

Kahit gaano man kasarap, nakakapaso din kapag sobrang init…

lumalamig kapag napabayaan…

At para bang hindi kumpleto ang araw mo kapag wala…

Pero nakaka-addict at nakaka-high blood naman kapag sobra…

Kaya dapat tama lang…

Walang labis, walang kulang.

Magpalipat-lipat ka hangga’t gusto mo…

Mag-eksperimento ka hangga’t kaya mo….

Pero pinaka-da best ay ang matuto kang maghintay, dahil sigurado,

makikita mo din ang swak sa panlasa mo…

Parang pag-ibig.

 

(originally posted 5-15-10)